Nakatakdang ipatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “full odd even number scheme” sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila sa Mayo o Hunyo.

Gayunman, ayon sa MMDA, masusi pa nila itong pinag-aaralan at tatalakayin sa Metro Manila Council, ang policy making body ng MMDA, bago tuluyang ipatupad.

Ayon sa MMDA, sa naturang polisiya ay pagbabawalan nang bumiyahe ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 1,3,5,7 at 9 tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes; habang 2,4,6,8 at 0 naman tuwing Martes, Huwebes at Sabado, at mananatiling exempted sa tuwing Linggo.

Sinabi ni MMDA General Manager Tim Orbos na tatalakayin pa ang nasabing polisiya sa dalawa hanggang tatlong pagpupulong. (Bella Gamotea)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho