maxey-dsa copy

DAVAO CITY – Inaprubahan ng Philippine Sports Commission (PSC) Board kamakailan ang P10 milyon cash assistance sa lalawigan ng Antique para sa hosting ng 2017 Palarong Pambansa sa Abril 23-29.

Ipinahayag ni PSC Commissioner Charles Raymond A. Maxey, commissioner-in-charge sa Palaro, ang ibinigay ng tulong pinansiyal sa Antique sa pakikipagpulong sa mga opisyal at kinatawan ng mga Local Government Units (LGUs) kamakailan sa Pinnacle Hotel and Suites dito.

“The PSC Board is giving assistance to Antique province to help defray operational expenses being a first-time host of the 60th edition of the Palaro,” pahayag ni Maxey, isa sa apat na PSC commissioner na nagmula sa Davao City.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Iginiit ni Maxey na napapanahon ang hosting ng Antique sa taunang Palaro para sa mga estudyanteng atleta dahil pursigido ang pamahalaan ng Pangulong Rodrigo Duterte na palakasin ang programa sa sports sa lalawigan at kanayunan.

Ito ang unang pagkakataon na magiging host ang Antique sa school-based sportsfest para sa kabataan na nasa elementary at high school.

Ipinahayag din ni Maxey ang maigting na programa ng PSC sa kanyang mensahe bilang keynote speaker sa ginanap na Davao Region Athletic Association (Davraa) Meet 2017 opening ceremonies nitong Linggo sa Mati Centennial Sports Complex sa Mati City, Davao Oriental.

Samantala, sinabi ni Philippine Sports Institute (PSI) national deputy training director Henry Daut na isasailalim din sa Sports Mapping Action Research Talent Identification (Smart ID) ang mga Palaro 2017 medalists.

“Dr. Cesar Abalon of DepEd, during our evaluation in Antique, was also interested of holding the a Smart ID testing in the Palaro. We have yet to hear from him if it pushes through. We are just preparing for if and when it continues as planned,” pahayag ni Daut.

Inilunsad ng PSI ang Smart ID Train the Trainers Program in Mindanao nitong nakalipas na buwan sa Tagum City.