Indian Wells Tennis

INDIAN WELLS, Calif. (AP) — Huwag nang pag-usapan ang isyu ng pagbabalik. Nakarating na si Roger Federer.

Muling rumihistro sa winner’s board ang pangalan ni Federer matapos maungusan si Stan Wawrinka sa all-Swiss final, 6-4, 7-5, para makakopo ang ikalimang BNP Paribas Open title nitong Linggo (Lunes sa Manila).

“For me, the dream run continues,” pahayag ni Federer, nailista ang ika-18 Grabnd Slam title sa Australian Open nitong Enero, matapos mabakante ng ilang buwan bunsod ng injury.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa nakalipas na buwan, iginiit ni Federer ang plano na makabalik sa Tour. Sa kasalukuyan, tila mas malaking plano ang nais niyang matupad.

“This was not part of the plan, to win Australia and Indian Wells. The goal was to be top 8 by after Wimbledon, so I’m there much, much faster,” aniya.

“I will make the plan for the remainder of the season, especially for the clay, after Miami, and then see also what the goals are because the goals are clearly changing after this dream start.”

Napantayan ni Federer ang tourney record ni Novak Djokovic, napatalsik sa ikaapat na rounf, habang nakopo ang ika-90 career title at manatiling nsa ikatlong puwesto sa likod nina Jimmy Connors at Ivan Lendl sa all-time list ng Open era.

Ngunit sa edad na 35, nabura ni Federer ang record ni Connors (31) noong 1981 bilang pinakamatandang player na nagkampeon dito.

“It’s an absolute huge start to the year for me. Last year didn’t win any titles. The change is dramatic and it feels great,” aniya.

Sa all-Russian women’s final, nagwagi si Elena Vesnina kontra Svetlana Kuznetsova 6-7 (6), 7-5, 6-4.

Naiuwi nina Vesnina at Federer ang premyong tig-$1,175,505.

Umusad din si Federer sa No. 6 sa ATP world ranking.