Nakamit ng San Beda College ang una nitong kampeonato nang bawian nila ang Sacred Heart School-Ateneo de Cebu, 79-61 para angkinin ang Division 1 title sa katatapos na 0th SM NBTC National High School Championship sa Mall of Asia Arena.

Pagkarang mabigo sa nauna nilang dalawang finals appearance noong 2015 at noong isang taon, nagwagi din sa wakas ang Red Cubs.

Pinangunahan ang Red Cubs ni Division 1 Most Outstanding Player na si Evan Nelle na nagtala ng 18 puntos, 5 rebounds, at 3 steals .

Nagtala naman si Travis Mantua no 14 puntos, 5 rebounds, a+ 6 assists, habang nagdagdag naman si Eroll Pastor ng 13 puntos at 16 rebounds para sa Ateneo de Cebu na siyang tumalo sa kanila noong 2015 sa kampeonato. .

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“Siyempre masaya kasi eto ‘yung goal, nakuha namin. I’m proud of the boys kasi nag-start sila Division 2. Nag-level up na sila tapos nag-champion sila sa Division 1,” pahayag ni San Beda coach JB Sison.

Kasama ni Nelle na napili sa Mythical Five and teammate na si Alfaro, at sina Mantua, Pastor, at kakamping si Andrew Velasco. (Marivic Awitan)