2 copy

Mga laro ngayon

Araneta Coliseum

4:30 p.m. Rain or Shine vs. Mahindra

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

6:45 p.m. NLEX vs. Meralco

Target ng Rain or Shine at Meralco.

Makamit ang ikalawang sunod na panalo ang tatangkain ng defending champion Rain or Shine at ng Meralco para sa maagang pamumuno sa paggaling nila sa dalawang magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2017 PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum.

Kapwa nagwagi ang dalawang koponan sa kani-kanilang laban noong opening day, ang Elasto Painters kontra sa koponan ng dati nilng Coach na si Yeng Guiao-ang NLEX Road Warriors, 113-105 at ang Bolts laban sa Mahindra Floodbusters, 94-86.

magpapalitan lamang ng kalaban ang dalawang koponan ngayon dahil ang Mahindra ang kakalabanin ng Rain or Shine sa pambungad na laro sa ganap na 4:30 ng hapon at ang NLEX naman ng haharapin ng Meralco sa huling laban ganap na 6:45 ng gabi.

Muli, aasahan ni coach Caloy Garcia ang nagbalik nng laro ni dating league two-time MVP James Yap para pangunahan ang Elasto Painters kasunod ng 26-puntos na output nito kontra sa Road Warriors, ng kanyang best performance sa loob ng nakalipas na taon at sa kanyang pagbabalik mula sa “knee injury”.

“Everybody came out to play.We have to be consistent on that part,”wika ni Coach Caloy Garcia matapos ang kanilang unang panalo.”It’s nice to see Jame Yap back. I just hope he’ll be healthy .”

Bukod kay Yap, aasahan din ni Garcia para sa target na ikalawang sunod na panalo ang import na si Shawn Taggart gayundin ang mga locals at Gilas player na sina Raymund Almazan at Jeff Chan.

Para naman sa Bolts, umaasa si coach Norman Black na sa mga darating na araw ay makukundisyon nang husto ang import na Alex Stephenson na sa tingin niya’y wala pa sa tamang timbang upang higit nilang mapakinabangan sa pagkontrol ng boards.

“We have to give Alex some time to get in shape a far a size and to be able to get thoe defensive rebounds,” ani Black na hindi naitago ang papuri sa kanyang sophomore guard na si Baser Amer na namuno sa panalo nila kontra Mahindra.

Maliban kina Stephenson at Amer, sasandigan din ng Bolts ang mga beteranong sina Cliff Hodge, Jared Dillinger, Reynel Hugnatan at Chris Newsome. (Marivic awitan)