INDIAN WELLS, Calif. (AP) — Nakabawi si Elena Vesnina sa nasayang na three match point para gapiin si Venus Williams, 6-2, 4-6, 6-3, at makausad sa semifinals ng BNP Paribas Open nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Naisalba ni Vesnina ang six break point sa huling set at selyuhan ang panalo sa dalawang forehand winner sa larong tumagal ng 71 minuto. Nakagawa si Vesnina ng 38 unforced errors at walong double faults; habang si Williams ay may 47 unforced error at pitong double faults.

Makakaharap ng 14th-seeded Russian si No. 28 seed Kristina Mladenovic sa semifinals. Ginapi ni Mladenovic si Caroline Wozniacki 3-6, 7-6 (4), 6-2 para makapasok sa top 20 ng WTA Tour ranking sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang career.

Magtutuos naman sa hiwalay na semifinal match sina No. 3 Karolina Pliskova at Svetlana Kuznetsova.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Anuman ang kaganapan, sigurado na si Vesnina para sa pinakamatikas na pagtatapos sa tennis career. Nauna niyang ginapi si No. 2 Angelique Kerber 6-3, 6-3 sa quarterfinals.

“I didn’t break her when I had the opportunity,” pahayag ni Wozniacki.

“I didn’t hold when I had the opportunity and all of sudden those games kind of slipped away. She had some big forehands when she needed to and then I see myself down 5-2, and it could maybe have been different.”

Sa men’s side, nanaig si No. 21 Pablo Carreno Busta ng Spain kay 27th-seeded Pablo Cuevas ng Uruguay, 6-1, 3-6 7-6 (4), sa nalalabing duwelo ng mababang seed player.