Hindi kinaya ng katawan ng isang information technology (IT) engineer ang tinamong bala mula sa isang grupo ng mga lalaki sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Makati Medical Center (MMC) si Andy Bai, 24, ng 11G One Central, Barangay Bel-Air, sanhi ng tama ng bala sa tiyan buhat sa kalibre .45 na baril.

Sa ulat na natanggap ni Makati Police chief Senior Supt. Dionesio Bartolome, dakong 3:10 ng madaling araw nangyari ang insidente sa L.P. Leviste Street, Salcedo Village, Bgy. Bel-Air.

Sa pahayag sa awtoridad ni Jason Tan, kaibigan ng biktima, naglalakad sila ni Bai sa nasabing lugar nang sumulpot ang mga suspek na sakay sa puting Sedan (NSO-950).

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isa sa mga suspek ang bumunot ng baril at pinaputukan ang biktima bago tuluyang tumakas sa hindi batid na direksiyon.

Dinala ni Tan ang sugatang kaibigan sa nasabing pagamutan subalit binawian din ito ng buhay.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (Bella Gamotea)