LONDON (AFP) – Inaprubahan ng House of Lords nitong Lunes ang panukalang nagbibigay ng kapangyarihan kay Prime Minister Theresa May na ipaalam sa mga lider ng EU ang intensiyon ng Britain na kumalas sa European Union kasunod ng referendum noong nakaraang taon.

Lumusot sa parliament ang panukala matapos ang ilang linggong debate at nangangailangan na lamang ng royal assent o pag-apruba ni Queen Elizabeth II upang maging ganap na batas.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture