IPINAMALAS ng 8th edition titlist Sacred Heart School-Ateneo de Cebu ang porma na nagluklok sa kanila sa kampeonato may dalawang taon na ang nakalilipas nang padapain ang AusPinoy One Solutions,79-49,kahapon sa pagbubukas ng 10th NBTC League National High School Championships sa MOA Arena sa Pasay City.

Umiskor ng 21-puntos, limang rebound, isang assist at dalawang steals si Vincent Velasco habang nag-ambag ng double-double – 15 puntos at 10 rebound – si Rolly Pastor upang pamunuan ang Cebuanos.

Nagtapos namang may tig-13 puntos sina sina Jasper Ronday at James Cabban para pamunuan ang Fil-Australian

Iginupo ng St. Roberts International School- Iloilo ang St. John the Loving School ng Magazine, 74-65.

Sa isa pang laro, inilampaso ng Ateneo de Davao ang New Ormoc City National High School, 80-33.

Superbods 2026! EJ Obiena, kahilera sina Anne Curtis, Atasha Muhlach, Alice Dixson sa wankata

Nagposte ng 17 at 16 puntos sina Kalen Doromal at Joshua Barrientos, ayon sa pagkakasunod para sa Davaoeños.

(Marivic Awitan)