Nais ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na isama na sa panukalang budget ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa 2018 ang gagastusin para sa national broadband plan sa 2020.
Aniya, hindi magkakaroon ng saysay ang proyektong inaprubahan ng pamahalaan kung hindi naman isasama ang P77.9-bilyon price tag ng proyekto.
“Additional feasibility studies, preliminary and other preparatory work, early-stage implementation can be included in the 2018 budget,” ani Recto.
Aniya, ito rin ang dapat gawing “flagship project” ng administrasyon, at kahit na Public Private Partnership (PPP) ang proyekto ay dapat na dumaan ito sa pagsusuri ng Kongreso at lahat ng security measures nito ay kailangang malaman sa pag-apruba ng budget.
Sinabi pa ni Recto na dapat sumailalim din ang proyekto sa mga alituntunin ng Freedom of Information (FOI) upang masuri rin ito ng publiko. (Leonel M. Abasola)