PORT-AU-PRINCE (Reuters) – Patay ang 38 katao at halos isandosenang iba pa ang nasugatan sa hilagang Haiti noong Sabado matapos araruhin ng isang bus ang mga nagpaparadang tao habang tinatakasan ang isang aksidente.

Ang bus, bumibiyahe mula Cap Haitien patungo sa kabiserang Port-au-Prince, ay una nang nakasagasa ng dalawang tao sa isang bayan sa labas ng Gonaives sa hilaga ng bansa, na ikinamatay ng isa.

Matapos ang aksidente ay tumakas ang driver at bumangga sa tatlong parada ng “rara” sa Mapou, halos 5 kilometro ang layo.

Sa rara parade, sama-samang nagtatanghal ang mga musikero gamit ang mga tradisyunal na instrumento at nakikisabay sa kanila ang mga taong dumaraan.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Kaagad na namatay ang 34 na katao sa lugar ng aksidente at apat pa ang nalagutan ng hininga sa ospital. Nangyari ito dakong 4:00 ng umaga.

“Usually the drivers involved in such accidents don’t stop because they are afraid they might be killed [in reprisal],” paliwanag ni Fred Henry, deputy representative ng lugar. Hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng aksidente.