NEW YORK (AFP) — Kinumpirma nitong Sabado ng kilalang New York prosecutor na si Preet Bharara – isa sa mga federal attorney na pinagbibitiw ng Palasyo – na siya ay tuluyang pinatalsik.

Matatandaang nitong Biyernes ay ipinag-utos ng administrasyon ni Trump na magbitiw sa puwesto ang isang dosenang US prosecutors – kabilang si Bharara – na pawang iniluklok ng kanyang sinundang pangulo na si Barack Obama.

“I did not resign. Moments ago I was fired,” tweet ni Bharara nitong Sabado gamit ang kagagawa lamang niyang Twitter account.

“Being the US Attorney in SDNY will forever be the greatest honor of my professional life.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Minsan nang kinilala at itinampok ng Time Magazine si Bharara bilang isang lalaki na “busting Wall Street.”