BEIJING (Reuters) – Paiigtingin ng China ang pagpapatrulya at titiyakin na magkakaroon ng “first class” navy na armado ng pinakamagagaling na armas.

Sinabi ni Wang Weiming, deputy chief of staff ng People’s Liberation Army Navy, sa sidelines ng taunang pagpupulong ng parliament na binibilisan ng China ang pagdedebelop ng marine corps, at palalakasin ng mga destroyer at eroplanong pandigma ang pagpapatrulya sa kalawakan ng karagatan.

“We will intercept any intruding aircraft and follow every military vessel in areas under our responsibility,” ani Wang nitong Huwebes ng gabi sa Xinhua. “Our sailors should stay vigilant and be able to deal with emergencies at all times.”

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na