Lakers Mavericks Basketball

DALLAS (AP) – Kailangan ni German star Dirk Nowitzki na makaiskor ng 20 puntos para mapabilang sa ‘elite list’ ng NBA All-time scoring champion. Laban sa batang Los Angeles Lakers, natupad ni Nowitzki ang inaasam na marka.

Mula sa kanyang signature fade-away jump shot, naisalpak ng one-time NBA champion at MVP ang ika-20 puntos para tanghaling ikaanim na player sa kasaysayan ng NBA na nakaiskor ng 30,000 career points.

Nakasama ang 38-anyos na German superstar sa grupo na kinabibilangan nina Hall-of-Famer Kareem Abdul-Jabbar, Michael Jordan, Wilt Chamberlain, Karl Malone at Kobe Bryant.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kinumpirma ni Nowitzki na handa pa siyang sumabak sa kanyang ika-20 season sa NBA sa susunod na taon. Naglaro si Nowitzki sa ikaanim na pagkakataon bilang starter matapos ma-sideline dahil sa problema sa Achilles. Tangan niya ang averaged 13.6 puntos, at 6.4 rebound sa loob ng 34 laro.

Kung matutuloy ang planong paglalaro sa susunod na season, mapapantayan ni Nowitzki ang record ni Bryant sa Los Angeles.

“Twenty is a great number,” pahayag ni Nowitzki.

“I think 20 seasons also with one team, like I’m trying to do it -- I think only Kobe has done it -- that’s another great accomplishment. So I kind of want to make the 20 fold. Plus that summer I’m turning 40. I think that’s also a good number to be in the league ... from 20 to 40.

“That’s what I’m looking at. Hopefully I’ll finish this season out strong, and then have a decent year, hopefully not as (many) injuries next year,” aniya.