BAGUIO CITY – Obligado na ngayon ang lahat ng establisimyento na magkabit ng closed circuit television (CCTV) camera makaraang lagdaan ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan ang City Ordinance No. 11 na “mandatorily requiring business establishments to install CCTV cameras, video recorders and monitors for security purposes.”

Sa “No CCTV, No Business Permit Ordinance of the City of Baguio” na inakda ng limang konsehal, sa pangunguna nina Councilor Edgar Avila at Vice Mayor Edison Bilog, kabilang na ang pagkakabit ng CCTV sa mga requirement para sa mga kukuha at magre-renew ng business permit sa siyudad. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!