Ipinasa ng House Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Rep. Karlo Alexei B. Nograles (1st District, Davao City) ang mga panukalang magbibigay ng pondo sa paglikha ng mga dagdag na korte at feeding program sa paaralan.

Pinagtibay ang funding provisions sa House Bills 198 at 2433 at mga substitute bill na HB 451, 991, 2011 at 2029, para sa paglilikha ng mga Regional Trial Court (RTC) sa ilang lugar sa bansa. Kabilang sa mga may-akda sina Reps.

Jose Carlos Cari, Maria Theresa Collantes, Lucy Gomez, Joaquin Chipeco Jr. at Cheryl Deloso-Montalla.

Pinalusot din ng komite ang pagkakaloob ng pondo sa House Bills 34, 246, 448, 1428, 1438, 1558, 1764, 1970, 2616, 2990, 3070, 3276 at 3371 (Institutionalizing the National School Feeding Program for public kindergarten and elementary pupils and appropriating funds therefor), na inakda nina Reps. Raul del Mar, Bellaflor Angara-Castillo, Jose Christopher Belmonte, Raul Tupas, Salvador Belaro Jr., Luis Raymund ‘LRay’ Villafuerte Jr., Carlos Isagani Zarate, Estrellita Suansing, Reynaldo Umali, Wes Gatchalian, Marlyn Primicias-Agabas, Harry Roque Jr., at Maximo Rodriguez Jr. (Bert De Guzman)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji