RIO DE JANEIRO (AP) — Nakamit ni Dominic Thiem ang Rio Open title sa paborito niyang clay court nitong Linggo (Lunes sa Manila).
Nakamit ni Thiem ang ikawalong ATP singles title at ikaanim sa clay court sa impresibong 7-5, 6-4 panalo kontra Pablo Carreno Busta ng Spain.
Target niya na masundan ang panalo sa pagsabak sa Mexican Open nitong weekend sa Acapulco.
“Of course it’s not easy,” sambit ni Thiem, sasabak sa Acapulo kontra sa anim na player na kabilang sa world Top 10.
“I did the same last year, and it worked out pretty well. It’s not the greatest preparation, but I hope I can make it one more time. The confidence is pretty high now. I feel great the way I’m playing.”
Kasalukuyang No.8 sa world ranking ang Austrian star at second seed sa Rio. Ngunit, naging paborito siya nang manalo kay top-seeded Kei Nishikori sa first round.
Nakabawi naman si Carreno Busta nang manalo ang tambalan nila ni Pablo Cuevas kontra kina Juan Sebastian Cabal at Robert Farah, 6-4, 5-7, 10-8, sa men’s double event.
“It was right on the street. It was pretty impressive,” aniya.