PHOENIX (AP) — Pumasok din sa trade ang Phoenix Suns nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) para palakasin ang kampanya na makausad sa playoff.

Ipinamigay ng Suns si forward P.J. Tucker sa Toronto kapalit ni forward Jared Sullinger at second-round draft pick sa 2017 at 2018, habang nakuha si Mike Scott at hindi mabatid na halaga sa Atlanta.

Hindi naman natuloy ang ugong-ugong na ipamimigay si guard Brandon Knight.

Ang 6-foot-6 na si Tucker ay may averaged na pitong puntos at anim na rebound sa 57 laro ngayong season. Nakapaglaro siya ng 17 laro sa Toronto bilang rookie noong 2006-07 season bago naglaro sa Israel, Ukraine, Greece, Italy at Germany.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA