Target ng Department of Health (DoH) na mabura ang mga tinaguriang ‘neglected tropical diseases’ sa bansa sa pagsapit ng 2030.

Ito ang binigyang-diin sa 5th Neglected Tropical Diseases (NTD) Forum ng DoH sa Cebu City, na may temang “Evidence Based Technologies to Accelerate the Gains of NTD Elimination, A New Hope”.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Ubial, simula nang ilunsad ang programa noong 2012, unti-unti nang nasusugpo ang mga sakit tulad ng schistosomiasis, lymphatic filariasis, soil transmitted helminthiasis, leprosy o ketong sa maraming lalawigan sa bansa.

Batay sa World Health Organization, ang NTD ay mga nakakahawang sakit na laganap sa 149 na maiinit na bansa at nakakaapekto sa halos isang bilyong mamamayan na nabubuhay sa kahirapan at walang sapat na sanitasyon. Sa Pilipinas, kabilang sa NTD ang leprosy, rabies, schistosomiasis, filariasis, soil-transmitted helminthiasis, at mga sakit na nakukuha sa kontaminadong pagkain at tubig. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony