Ellha Nympha copy

ANG tarush ng The Voice Kids Season 2 grand winner na si Elha Nympha dahil mapapanood siya sa Little Big Shots talk show ni Steve Harvey ang host.

Kabilang si Elha sa mga iinterbyuhin sa second season ng Little Big Shots at ipinost ng batang mang-aawit sa Instagram ang poster ng show na kasama siya.

Ang Little Big Shots ay produced ni Ellen DeGeneres kaya malaki ang posibilidad na isa sa mga araw na ito ay mapapanood din si Elha sa programa ng sikat na TV host.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Samantala, maraming pinahanga si Elha nitong nakaraang Sabado sa programang Your Face Sounds Familiar Kids dahil ang ganda ng performance niya bilang si Dulce, ‘yun nga lang hindi siya ang nanalo kundi si Sam Shoaf bilang si MC Hammer.