Pumalag ang Malacañang sa pagsasalarawan ni dating Senador Rene Saguisag kay Pangulong Duterte bilang “new Macoy”, na ang tinutukoy ay ang yumaong diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos.

“To whether he’s the new Macoy, the President is the new Macoy, you know, I think, the comparison is too broad and uncalled for,” pahayag ni Presidential Sspokesman Ernesto Abella sa press conference sa Palasyo kahapon.

Una nang ipinahayag ni Saguisag na ikinalungkot niya ang naging desisyon ng Malacañang na gawing simple ang pagdiriwang sa paggunita ng 1986 EDSA People Power Revolution. Gayunman, sinabi niya na desisyon ng Palasyo kung sa paanong paraan ito gugunitain “dahil itong si Digong bagong Macoy ito.”

Sinabi ni Abella na naiintindihan nila ang sentimyento ni Saguisag kaugnay ng ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power, na nagwakas sa diktadurya.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Senator Saguisag has emotional ties to these things and, you know, we’re not downgrading that,” aniya.

“I’m just saying that he also feels very strongly and perhaps he wants it to be celebrated in a more grandiose way,” dagdag ni Abella. (Genalyn D. Kabiling)