Binawi ni Senate Minority Leader Ralph Recto ang kanyang resolusyon na amyendahan ang Saligang Batas dahil magagamit lamang daw ito sa pulitika.

“I withdraw the resolution that I filed. I’m not in favor of amending the charter at this point in time. I’m in favor of proposing amendments to the economic provisions in the Charter. But I know that the purpose today is more political. So I don’t want to be a part of that, and that’s why I withdrew my resolution,” banggit ni Recto.

Sinabi ni Recto tutol na siya sa balak ng administrasyon na isulong ang Federalismo, dahil magdudulot lamang ito ng pagkakahiwalay ng mga rehiyon at maapektuhan ang ekonomiya ng bansa. (Leonel Abasola)

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?