KITANG-KITA na nahirapang sumagot si si Jaclyn Jose nang tanungin kung kanino siya boto sa dalawang dilag na nag-aagawan sa puso ni Pepe (Dingdong Dantes) na gumaganap bilang anak niya sa kanilang top-rating GMA series na Alyas Robin Hood.

So, Team Sarri (Megan Young) o Team Venus (Andrea Torres)?

Pabirong naisagot ng beteranong aktres, “Huwag na nga kayong tumi-Team Sarri at Team Venus d’yan, babae rin tayo, dapat nararamdaman natin ang nararamdaman ng kapwa natin babae!”

Siya nga kasi ang gumaganap bilang Judy de Jesus, ang nanay ni Pepe.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nasa huling linggo na ang well-loved soap na palaging inaabangan ng mga manonood gabi-gabi. Wala na raw dapat palampasin dahil itinodo na nila ang lahat ng effort sa mga natitirang episode.  

“Maganda ang Alyas Robin Hood. ‘Tapos pinaghuhusayan pa ang taping, talagang maraming pasabog,” buong pagmamalaking sabi ni Jaclyn.