Mga Laro Ngayon

(JCSGO Gym, Cubao)

11n.u. -- Blustar vs AMA

1 n.h. -- Batangas vs Wangs

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

KAYA bang manalo ng AMA Online Education kahit wala ang bagsik ng kanilang lider na si Jeron Teng?

Patutunayan ng Titans' na magagawa nilang mangibabaw sa sitwasyon na wala ang premyadong ay scoring lider na si Teng sa pagsabak kontra Blustar Detergent sa pagpapatuloy ng 2017 PBA D-League Aspirants' Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Cubao,.

Mapapalaban ang AMA sa Blustar ganap na 11:00 ng umaga, habang magkakasubukan ang Batangas (1-4) at Wangs Basketball (1-4) ganap na 1:00 ng hapon.

Naniniwala si AMA coach Mark Herrera na makakaya ng kanyang koponan na harapin ang Dragons kahit bawas sa double digit ang scoring load sa pansamantalang pagkawala ni Teng na kabilang sa Mighty Sports-Philippine Team na sumasabak sa Dubai International.

"Siyempre, malaking adjustment ito, pero naghanda na rin kami dahil expected naman naming sasalang si Teng. Kaya naman ng mga players na mag-step up,” sambit ni Herrera.

Sa pagkawala ni Teng, nakatuon ang play ng AMA kina Juami Tiongson, Ryan Arambulo, Jay-R Taganas, at PJ Barua para madugtungan ang naitalang back-to-back win at maka-angat mula sa markang 4-2.

Magsisikap naman ang Blustar na maiposte ang unang tagumpay matapos magtamo ng apat na sunod na kabiguan sa pamumuno nina Tristan Perez at Jason Melano.

"Sana dito against AMA makuha na namin ang unang panalo," ayon kay Perez. (Marivic Awitan)