NAKOPO ng defending men’s champion Ateneo ang ikaapat na sunod na tagumpay upang patibayin ang kapit sa pangingibabaw matapos walisin ang University of the East , 25-17, 25-16, 25-20 kahapon sa UAAP Season 79 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Muling namuno sa Blue Eagles si reigning MVP Marck Espejo na nagtala ng 20 hit at dalawang block para sa kabuuang 22 puntos.

Nag-iisa namang tumapos na may double digit para sa Falcons na nabaon sa ika-4 na sunod na pagkabigo si Michael Sudaria na may 10 puntos.

Nanguna naman sina Clifford Inoferio at Edward Camposano na may 17 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Red Warriors (0-4). (Marivic Awitan)

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!