Dead on the spot ang isang “confidential asset” ng Pasay City Police makaraang barilin sa harap ng kanyang bahay, nitong Huwebes ng gabi.

Tatlong tama ng bala sa ulo buhat sa hindi batid na kalibre ng baril ang sanhi ng pagkamatay ni Pascual Padilla, nasa hustong gulang, ng No. 434 Inocencio Street, Barangay 104, Zone 11, Pasay City.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO) chief Supt. Jenny Tecson, dakong 10:30 ng gabi nangyari ang insidente.

Namamahinga ang biktima sa lugar nang biglang sumulpot ang armadong lalaki at tatlong beses pinaputukan si Pascual.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inaalam na ang motibo sa pamamaslang. (Bella Gamotea)