UPPER_160217_BurningShabu_09_vicoy copy

Mahigit P470 milyon ilegal na droga ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cavite, iniulat kahapon.

Ayon kay PDEA Director General Isidro S. Lapeña, bandang 9:30 ng umaga kahapon, sa simpleng seremonya sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI), Barangay Aguado, Trece Martirez City, Cavite, winasak sa pamamagitan ng thermal decomposition, ang 329.36 kilo ng iba’t ibang klase ng droga (shabu, cocaine, ecstacy, marijuana, katamine at iba pa) na nagkakahalaga ng P473,552,333.83.

“These are part of the illegal drugs that were seized during operations conducted by PDEA combined with those turned over by other partner drug law enforcement agencies that are no longer needed as evidence in court,” ayon kay Lapeña.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang nasabing seremonya ay dinaluhan ng key official ng PDEA at law enforcement agencies, kinatawan ng Department of Justice, the Dangerous Drugs Board (DDB), Pubic Attorney’s Office, Non-Government Organizations (NGOs) at ang kanilang guest of honor ay si Senator Panfilo Lacson, chairperson ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs. (JUN FABON)