WASHINGTON (AFP) – Ipinahayag ni First Lady Melania Trump noong Martes na muling bubuksan sa publiko ang White House sa unang linggo ng Marso.

Sikat ang White House tour sa mga bumibisita sa Washington. Isa itong pampasigla na itinatakda ng mga miyembro ng Congress para sa kanilang constituents at ng mga banyagang embahada para sa kanilang mamamayan.

Nagreklamo ang ilang miyembro ng kongreso sa mahabang pagkaantala sa muling pagsisimula ng mga pagbisita na itinigil nang maupo si President Donald Trump noong Enero 20.

Sinabi ni Melania Trump na muling ipagpapatuloy ang mga public tour sa 224-anyos na White House sa Marso 7. “I am excited to reopen the White House to the hundreds of thousands of visitors who come each year,” aniya sa maikling pahayag.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'