PINAYUHAN ni Vice President Leni Robredo si President Rodrigo Duterte at ang gobyerno na pakinggan at matuto sa mga karanasan ng ilang mga bansa, katulad ng Colombia, na naglunsad ng madugong pakikibaka sa narco trafficking/illegal drugs sa pangunguna ni ex-Pres. Cesar Garivia. Ang pangulo noon na si Garivia ay responsble sa pagkakapatay kay Pablo Escobar, ang Numerong Unong drug traffcker hindi lang sa Colombia kundi sa buong mundo kaya tumulong pa ang US upang siya’y ma-neutralize.

Gayunman, sa kabila ng pagkamatay ni Escobar at sa pagkakapatay din at pagkakahuli ng kanyang mga tauhan, hindi ganap na nasugpo ang narco trafficking at illegal drugs sa Colombia.

Sabi ni VP Leni: “Importante sa palagay ko na makinig tayo sa pahayag ng dating pangulo ng Colombia na nakaranas din nito. Ang kanyang kuwento ay hindi para gayahin natin kundi para matuto tayo.”

Sa opinion article na sinulat ni Garivia at inilathala sa New York Times, sinabi niya na inuulit lang ni Duterte ang kanyang (Garivia) mga pagkakamali sa pakikihamok sa narcotics/illegal drugs sa pamamagitan ng paggamit ng militar at pulisya.”

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“Throwing more soldiers and police at drug users is not just a waste of money but also can actually make the problem worse. Locking up non-violent offenders and drug users almost always backfires, instead strengthening organized crime,” ayon kay Garivia sa kanyang artikulo sa The New York Times. Si Garivia ang pangulo ng Colomboa mula noong 1990 hanggang 1994, naglunsad ng giyera sa droga sa pamamagitan ng paggamit ng bilyun-bilyong dolyar upang mabuwag ang drug cartels, sinira at binunot ang drug crops at ibinilanggo ang bawat drug pusher na makita sa kalye, lansangan at barung-barong.

Ang ganitong pamamaraan, ayon kay Garivia, ay nagbunga lang ng bagong mga problema, tulad ng pagpatay sa libu-libong tao; asasinasyon ng magagaling na pinuno ng bansa, journalists at alagad ng batas; kurapsiyon ng mga pulitiko na may drug payoffs (bayaran), at paglaganap ng Columbian drugs sa mga kalapit-bansa.

Iminungkahi na makabubuti sa Pilipinas, sa pamumuno ni Pangulong Duterte, na palakasin ang public health programs, pangalagaan ang mga karapatang pantao, at ituon ang atensiyon sa pagpapalago at pagpapalusog ng... ekonomiya. Sa halip na matuwa si PDu30 sa opinyon ni Garivia, tinawag niya ang ex-Colombian president bilang isang “idiot.” Tanong:

“Hindi ba noong kauupo niya bilang pangulo ng ‘Pinas, pinapunta pa niya si Gen. Bato sa Colombia upang magmasid at pag-aralan ang karanasan at pakikipaglaban sa narcotics at illegal drugs?”

Sa ngayon, batay sa mga report, mahigit na sa 7,000 ang napapatay na drug pusher at user, karamihan ay mahihrap na tao. Naniniwala si VP Leni na dapat tratuhin ng Duterte admin ang problema sa droga bilang isang “public health and security issue.”

Binanggit ni beautiful VP ang karanasan ng Thailand na isang bigong kampanya laban sa illegal drugs. Makinig kaya si President Rody sa “unsolicited advice” na ito ni VP Leni? (Bert de Guzman)