CABANATUAN CITY – Bumulagta ang isang 40-anyos na lalaki na sinasabing miyembro ng ‘Akyat-Bahay’ gang makaraang pagbabarilin ng ridng-in-tandem assassins sa Genaro Extension, Barangay D. S. Garcia sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Kinilala ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, ang biktimang si Ramon De Jesus, residente sa lugar, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at kaagad na nasawi.
Ayon sa imbestigasyon, naglalakad si De Jesus nang biglang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ito nang malapitan nitong Pebrero 8. (Light A. Nolasco)