Tiniyak ni Senator Richard Gordon na sisipot na si dating police officer Wenceslao “Wally” Sombero sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa Huwebes.

Ayon kay Gordon, sasalubungin si Sombero ng Office of the Senate Sergeant at Arms (OSAA) na magbibigay proteksiyon sa sinasabing “middle man” sa suhulan sa Bureau of Immigration (BI). Tumanggi siyang idetalye kung kailan babalik sa bansa si Sombero.

Sinabi ni Gordon na nagkausap sila ni Sombero noong Biyernes at sinabi ng huli na natatakot ito sa mga banta sa kanyang buhay dahil malalaking tao ang sangkot sa online gambling ng negosyanteng si Jack Lam. - Leonel M. Abasola

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter