Laro Ngayon

(MOA Arena)

5 n.h. -- Ginebra vs Star

TARGET ng Star Hotshots na tuluyang makabante sa Final Four series kontra Barangay Ginebra sa paglarga ng OPPO-PBA Philippine Cup sa ‘tinaguriang Manila Classico’ ngayon sa MOA Arena.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakatakda ang muling pagtatagpo ng Kings at Hotshots ganap na 5:00 ng gabi sa Game Two ng kanilang best-of-five semifinal series.

Nangibabaw ang husay at lakas nina Marc Pingris at Paul Lee sa Game One, 78-74, para sa 1-0 abante sa Final Four duel.

"It's all about our team effort, team defense, " pahayag ni Chito Victolero.

"I told them that it's very close in the end and we need that mental toughness in order for us to win the game. Our emotions, our composure kailangan talaga.."

"We need to play with a proper mindset..Si Paul Lee and Marc Pingris, they have a big heart, even the whole team..May swerte at meron na ring hardwork.It's a grinding series at sabi ko sa kanila we have to stay together.," aniya. (Marivic Awitan)