Bilang pagtutol sa anumang paraan ng pagpatay tulad ng death penalty, aborsiyon at extrajudicial killing (EJK), nakatakdang idaos ng Simbahang Katoliko ang “Walk for Life” sa Pebrero 18.

Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines– Episcopal Commission on the Laity (CBCP-ECL) ang mga Katoliko na lumahok sa naturang aktibidad na sisimulan dakong 4:30 ng madaling araw sa Quirino Grand Stand.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-ECL, isa ito sa mga aktibidad ng Simbahan ngayong Pro-Lifemonth.

“‘Walk for Life’, ibig sabihin laban iyan sa death penalty, laban iyan sa abortion, laban iyan sa extrajudicial killing at laban din iyan sa drug addiction. Kasi yung mga addict, sinisira rin nila ang buhay nila at sinisira lang ang buhay ng iba. Kaya iyan ay dapat panindigan natin, panawagan sa mga lay faithful natin na sumama dito sa ‘Walk for Life’ na gagawin natin sa Quirino Grandstand,” paliwanag ni Pabillo sa panayam sa radyo. (Mary Ann Santiago)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente