LA PAZ, Bolivia (AP) – Nagdeklara si Bolivian President Evo Morales nitong Miyerkules ng state of emergency para labanan ang pamemeste ng mga locust na umuubos sa mga pananim ng bansa.

Unang umatake mga locust dalawang linggo na ang nakalipas may 100 kilometro sa katimugan ng silangang lungsod ng Santa Cruz. Mabilis itong kumalat at ngayon ay nasa halos 30 kilometro na mula sa pinakamalaking lungsod ng Bolivia.

Tinatayang mahigit 1,100 ektarya ng mais, sorghum at beans ang sinira ng mga locust.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na