BAMBAN, Tarlac - Marahas na kamatayan ang sinapit ng isang tricycle driver makaraang pagbabarilin sa Sitio Dulupon sa Barangay Anupul sa Bamban, Tarlac, nitong Lunes ng madaling araw.

Iginapos ng packaging tape ang magkabilang kamay at tinakpan ng pulang panyo sa mukha bago pinagbabaril si Jay Sahagun Galang, 43, ng Villa Dolores Subdivision, Angeles City, Pampanga.

Naniniwala ang pulisya isang nakaalitan sa personal na bagay ang nasa likod ng pamamaslang sa biktima. (Leandro Alborote)

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan