Iris copy copy

ISANG linggo matapos koronahan bilang Miss Universe 2016 sa Pilipinas, kinukuwestiyon ngayon ng netizens ang seksuwalidad ni Iris Mittenaere ng France sa paglabas ng mga litrato niya sa Instagram kasama ang pinaghihinalaang girlfriend niya, ayon sa mga ulat.

Nagsimula ang mga espekulasyon na lesbian ang French beauty queen isang araw matapos siyang koronahan noong Enero 30, ayon sa news website na Latin Times, na unang nag-ulat tungkol sa tsismis.

Binaha ang Twitter account ng Miss Universe ng mga komento mula sa netizens sa nakitang Instagram pictures ni Iris na masyadong malapit sa French beauty queen na si Camille Cerf, 22.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Si Cerf, na naging kinatawan din ng France sa Miss Universe 2014 beauty pageant sa Florida, USA, ay isang businesswoman. Pumuwesto siya sa Top 15.

Hindi pa sinasagot ni Iris ang isyu ng kanyang sexuality kahit mainit na itong usap-usapan sa social media.

Kung totoo ang tsismis at kung aaminin si Iris, siya ang magiging unang openly gay Miss Universe sa kasaysayan.

Sa kanyang isang IG photo na kuha noong 2016, inilarawan ng Parisian native na mahilig magluto ang litrato na nila ni Cerf na: “Some friendships are obvious.”

Ilang araw pa lamang ang nakalilipas, iniulat ng entertainment website na Daily Entertainment News na si Iris ay in a relationship sa isang hunky doctor na kinilalang si Matthieu Declercq.

Ngunit ang magkasintahan ay very discrete sa kanilang relasyon dahil nakasaad sa mga patakaran ng Miss France committee na ang beauty queen ay hindi pinapayagang lumabas sa publiko na may kasamang boyfriend.

Noong nakaraang taon, inihayag ni Declerq sa isang panayam na hindi siya nangangamba kahit bihira silang magkita ng girlfriend. Idinagdag niya na proud siya kay Iris.

REAKSIYON NG NETIZENS

Hati ang fans ng 24-year-old French dental surgery student tungkol sa gay rumors.

“If she doesn’t care, why you care so much? I’m not even gay and I think these two girls look so good (whether they’re friends or not),” sabi ng isang follower. 

Isa pang follower ang nag-react na: “I am French and in France know his personal life has always been her boyfriend named Mathieu met during his dental school and before he realized Miss France stop mode is that Latinos who talks about her are jealous to win? In short, if you want to see the photo of her boyfriend she is in my account I posted the photo that was present in his victory SHE IS STRAIGHT! SHE HAVE A BOYFRIEND!”

“They’re just very very GOOD FRIENDS, friendship is so rare these days that everybody confuses it with passional love!” sabi ng isang social media follower.

“Just friends? I do not think so,” sabi naman ng isang IG fan.

Kararating pa lamang ni Iris sa New York para simulan ang kanyang rei

gn bilang Miss Universe. Siya ang ikalawang Miss Universe mula sa France matapos ang 63 taon.

Nag-upload ang beauty queen ng litrato niya sa Instagram na kuha sa kanyang flat sa Big Apple, ang kinaroroonan ng headquarters ng Miss Universe Orgfanization. 

Sinalubong siya ng pageant fans nang dumating siya sa US.

“Welcome to New York Ms Universe! Hope to bump into you in Manhattan. Nothing wrong with dreaming,” komento ng isang fan.

“Heard NY pizzas and bagels are one of a kind ... lots of awesome restaurants and Broadway shows to watch...” sabi ng isang follower.

“Welcome to my city!!!!” reaksiyon naman ng isa pang IG follower. (ROBERT R. REQUINTINA)