MEXICO CITY (AP) — Kinumpirma ng health ministry ng Mexico ang unang kaso ng Zika na isang kondisyon na ang ulo ng isang sanggol ay mas maliit kaysa normal na laki nito, kung tawagin ito ay microcephaly.

Ayon sa pahayag ng ministry nitong Biyernes na kulang sa buwan ang bata at namatay nang ipanganak. Ito ay isinilang ng isang 25-anyos na mula sa Oaxaca noong Nobyembre 5, 2016.

Sinabi ng ministry na ilang buwan pa ang nagdaan bago tuluyang natukoy ang sakit, na karaniwang tinatamo ng mga bata na abnormal ang sukat ng ulo.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina