TULOY ang pamamayagpag ng National University Pep Squad nang angkinin ang College Coed Cheer category ng National Cheerleading Championship (NCC) Season 12 NCR Qualifiers kahapon sa MOA Music Hall.

Pinahanga ng reigning national champions ang dumagsang crowd sa kakaibang sayaw at choreograph, tungo sa pagsungkit ng 327 puntos.

Sumegunda ang University of Perpetual Help Dalta Altas tangan ang 315 puntos, kasunod ang Far Eastern University Cheering Squad na may iskor na 299.5 puntos.

Mas maaksiyon at mas kapana-panabik ang duwelo sa paglarga ng National Finals sa March 10-12 sa MOA Arena.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakamit naman ng Xavier School Dance X ang top spot sa Mixed Hip Hop Divisio, gayundin ang Marist High Impact at LSGH Air Force.