ILANG taon na ring luhaan si Cris Joven. Ngayong taon kung may luha pa ring dadaloy, titiyakin niyang luha ito ng kasiyahan at tagumpay.

Labanangg matira ang matibay ang kampanya ngayon ni Joven, skipper ng Team Army Kinetix Lab team, sa pagpadyak ng LBC Ronda Pilipinas 2017 simula sa Linggo (Pebrero 4) sa Vigan, Ilocos Sur at matatapos sa Iloilo City sa Marso 4.

“I’ve always dreamed of winning the Ronda Pilipinas and I’ll give it my best to win it this year,” paniniyak ng 29-anyos na si Joven, pambato ng Iriga, Camarines Sur.

Sa nakalipas na limang edisyon ng Ronda, natatapos si Joven sa ikaapat na puwesto.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Inaasahan niya ang matikas na suporta mula sa mga kasanggang sina Alfie Catalan, Reynaldo Navarro, Alvin Benosa, Lord Anthony del Rosario, Mark Julius Bordeos, Marvin Tapic at fast-rising Ronnilan Quita.

“We’ve prepared hard for this race and I’m confident we as a team will have a strong chance of figuring well here,” pahayag ni Joven.

Tumataginting na P1 milyon ang preamyo para sa individual champion sa14-day race marathon na itinataguyod ng LBC, sa pakikipagtulungan ng MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Victory Liner, Maynilad, Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCycling at 3QSports Event Management.