Kinasuhan ng graft sa Office of the Ombudsman ang siyam na pulis sa pagkabigong magdeklara ng kani-kanilang ari-arian bilang bahagi ng kanilang statement of assets, liabilities, and networth (SALN).

Ayon kay Senior Supt. Jonas Ejoc, hepe ng Regional Internal Affairs Service (RIAS), ang naturang kaso na paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ay iniharap sa Office of the Ombudsman for the Military and other Law Enforcement Agencies.

Aniya, ang siyam na pulis ay may ranggong mula police officer 2 hanggang superintendent.

Matatandaang una nang ipinag-utos ni Pangulong Duterte na “pagtutuunan muna ng pansin ng PNP ang mga police scalawags na sumisira sa imahen ng kapulisan”, kasabay ng suspensiyon ng Oplan Tokhang. (Rommel Tabbad)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente