PARA kay undefeated boxing champion Floyd Mayweather, isang malaking hamon sa kanya na magbalik-aksiyon para makaharap si UFC champion Conor McGregor sa isang pambihirang mixed martial arts fight.

Sinabi ng 39 anyos na tutuldukan niya ang pagreretiro para labanan ang pamosong MMA Irishman. Nagretiro sa boxing si Mayweather tangan ang 49-0 karta.

“I’m not sure whether the fight is going to happen but most likely a fight with Conor McGregor will happen,” pahayag ni Mayweather sa Sky Sports kung saan nanood siya ng laban nina Carl Frampton at Leo Santa Cruz sa MGM Grand.

“I believe I can get my number. We going to do a job on my side. The fight hasn’t been made yet but it’s all about entertainment. Hopefully, we can make it happen. I’m the Pay-Per-View king and I’m looking forward to doing big Pay-Per-View numbers again,” aniya.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Sa panayam para kumpirmahin ang naturang laban, sinabi ni Mayweather kay Adam Smith na “I believe so.”

Sa panayam ng ni Showtime’s Jim Gray, sinabi ni Mayweather na lalabanan niya si McGregor sa timbang na 147 hanggang 150 pounds.

Sa panayam, sa Manchester, England, sinabi rin ni McGregor na pinananabikan niya ang posibilidad na makaharap ang undefeated champion.

Kakailanganin nila ang lisensiya mula sa Nevada State Athletic Commission para matuloy ang laban.