Habang isinusulat ang balitang ito ay nanganganib ang buhay ng isang driver matapos pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay na matagal na umanong may kinikimkim na sama ng loob sa kanya sa Navotas City, hatinggabi kahapon.

Dahil sa mga saksak sa likod, nakaratay ngayon si Elino Chavez, 45, ng Block 6, Bagong Silang Street, Barangay San Jose ng nasabing lungsod.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si Edwin Flores na mahaharap sa kasong frustrated murder.

Base sa report, bandang 12:30 ng hatinggabi nang mangyari ang insidente sa labas ng bahay ng biktima.

Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

Nililinis umano ni Chavez ang kanyang pampasaherong jeep nang biglang dumating si Flores at siya’y pinagsasaksak saka tumakas.

Nabatid na matagal nang may alitan sina Chavez at Flores. (Orly L. Barcala)