Morissette copy

SAKSIHAN ang ikalawang WISHperiences sa Wish 107.5 Music Awards na ipapalabas ngayong gabi sa UNTV.

Tampok ang tema na “Your WISHclusive Gateway To World,” ginanap sa Smart Araneta Coliseum ang pagdiriwang at gawad parangal sa pinakamahuhusay at world-class talents ng Pinoy na namayagpag sa mundo ng musika, radyo at social media nitong nakaraang nakaraang taon.

Pangunahing itinampok sa event ang mga miyembro ng WISHclusive Elite Circle, isang grupo ng mga artist na mayroong YouTube video na umabot sa 10 milyong views, kabilang na ang video ni Morisette Amon para sa kanyang Secret Love Song at Against All Odds, ang Chandelier ni Darren Espanto at ang One Day cover ni Bugoy Drilon.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“What an awards night for music should really be like,” ang namamanghang paglalarawan niGary Valenciano sa napakaganda at nakaaaliw na awards night.

Bilang pampasiglang bilang, nagtanghal at dumalo rin sa pagdiriwang sina Jay R, Kris Lwrence, Jason Dy, Michael Pangilinan, KZ Tandingan, Zia Quizon, Sassa Dagdag, Marcelito Pomoy, BoybandPH at ang “Tawag ng Tanghalan” grand finalists na pawang mahuhusay na mang-aawit at entertainers.

Bilang ang adhikaing makapag-abot ng tulong sa mga napiling charity, nag-donate ang Wish 107.5 ng tig-P100,000 sa mga benepisyaryo ng mga nanalo sa 11 pangunahing kategorya.

Mapapanood ang UNTV sa UHF Channel 37, Sky Direct Channel 40, Cignal TV Channel 92, Sky Cable (A) 33, Sky Cable (D), at Cable Link Ch. 77. Maaari ring maki-live stream via www.untvweb.com o makitutok sa facebook account ng Wish 107.5 (www.facebook.com/wishfm1075) at Youtube account nito (www.youtube.com/wish1075official). (DIANARA T. ALEGRE)