APTOPIX Australian Open Tennis

MELBOURNE, Australia (AP) — Kapwa nakabakasyon sina Roger Federer at Rafael Nadal nang magkasama bilang guest sa inilunsad na tennis academy sa Malorca, Spain.

Parehong ‘inactive’ ang dalawa bunsod nang magkaibang injury na natamo. Kapwa walang kasiguraduhan ang kanilang pagbabalik sa kompetitibong aksiyon.

May apat na buwan ang nakalipas, nakabalik sa main draw ang dalawa at kung itutulot ng tadhana, muling silang magkakarap bilang magkaribal sa Grand Slam event.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nagapi ni Federer ang kababayang si Stan Wawrinka, 7-5, 6-3, 1-6, 4-6, 6-3, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) para makausad sa major final sa ika-29 pagkakataon.

Ito ang unang sabak sa Australian Open finals ni Federer mula noong 2010. Posible niyang makaharap sa championship si Nadal na sasabak kontra Grigor Dimitrov sa hiwalay na semifinals sa Biyernes (Sabado sa Manila).