Inilabas na ng Philippine Postal Corporation ang espesyal na selyong nagtatampok sa tatlong Miss Universe winner ng bansa bilang bahagi ng pagiging punong-abala ng Pilipinas sa 65th Miss Universe pageant.

Sinabi ni Philpost Deputy General Post Master Luis Carlos, tampok sa commemorative stamp sina Miss Universe Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973) at Pia Wurtzbach (2015).

Mabibili ang Miss Universe commemorative stamp na tampok si Gloria Diaz sa halagang P12, na magagamit sa rehiyon ng Luzon, P17 naman ang kay Margie Moran na magagamit sa Visayas at Mindanao region, at P55 kay Pia Wurtzbach na magagamit sa Asia. (Jun Fabon)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20