Dead on the spot ang isang lalaki na kalalaya lamang sa bilangguan makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rodel Rodriguez, 48, kalalabas lamang sa Quezon City Jail (QCJ), nakatira sa No. 43 Sauyo Road, Barangay Sauyo, Novaliches, Quezon City.

Base sa ulat, dakong 2:00 ng madaling araw nang paulanan ng bala si Rodriguez ng hindi pa nakikilalang mga suspek na lulan sa kotse na hindi naplakahan habang nagtatapon ng basura sa gilid ng kanilang bahay.

Sinubukan pang isugod ang biktima sa Novaliches District Hospital ngunit patay na ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kalalaya lamang ni Rodriguez sa QCJ dahil kasong ilegal na droga. (Jun Fabon)