Australian Open Tennis

MELBOURNE, Australia (AP) — Karanasan laban sa tapang. Lakas kumpara sa diskarte.

Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang 14 na taon, umusad si Venus Williams sa semifinals ng Australian Open. Sa kabuuan, ito ang kanyang ika-21 Grand Slam Final Four.

Sa edad na 36-anyos, target niyang makausad sa Finals laban sa mas bata at determinadong kababayan na si CoCo Vandeweghe, sa edad na 21-anyos sasabak sa kauna-unahang career major semifinal.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Ispesyal at tunay na kahanga-hanga ang kampanya ni Vandeweghe na pinatalsik ang dalawang Grand Slam winner na karibal.

Ginapi ni Williams si No. 24-seeded Anastasia Pavlyuchenkova 6-4, 7-6 (3) nitong Martes para tanghaling pinakamatandang player na nakausad sa Australian Open women’s semifinals sa Open era.

Makakaharap niya si Vandeweghe, nagwagi kay French Open champion Garbine Muguruza, 6-4, 6-0, sa quarterfinal. Bago ito, pinataob ng No. 35-ranked si top-ranked Angelique Kerber, ang defending Australian at US champion. Sa kabuuang ng career, naitala niya ang ika-10 career win laban sa Top 10 player.

“Once I got rolling in the second, it was like a freight train. You couldn’t stop it,” pahayag ni Vandeweghe.

Kahanga-hanga rin si Williams na umusad sa torneo na hindi pa natatalo ng isang set at tila mahirap na mapigilan ang kanyang pagratsada.

“It’s wonderful to start the year out with this appearance,” sambit ni Williams, huling nakaabot sa semifinals ng torneo noong 2003 kung saan naungusan siya ng nakababatang kapatid na si Serena sa final.