Agad sinuspinde at kinasuhan sa Quezon City Prosecutor’s Office ang tatlong tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) matapos ireklamo ng pangongotong, iniulat kahapon.

Kasalukuyang nakadetine sa Camp Karingal, matapos suspendihin ni QCPD Director Police chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, sina P03 Joseph Merin, PO3 Aprilito Santos at PO3 Ramil Dazo; pawang nakatalaga sa Warrant Section ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU).

“Nangangamba rin ang tatlong pulis na posibleng ipadala sila sa Mindanao kapag nalaman ito ni PNP Chief Dir. General Ronald Dela Rosa,” pahayag ni Eleazar. (JUN FABON)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists