Isa-isang pinosasan ang tatlong lalaki matapos makumpiskahan ng ilegal na droga at drug paraphernalia sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang nakakulong sa Makati City Police at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 at 12 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sina Jonald Gab Garcia y Manalo, Junnel Bartolome y Roman at Dustin Morales y Madrid na pawang nasa hustong gulang at residente sa Barangay Bangkal ng nasabing lungsod.

Nakatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa isang concerned citizen hinggil sa kahina-hinalang kilos ng tatlong lalaki sa naturang lugar dahilan upang isagawa ng Special Operation Group ang operasyon.

Pagdating sa lugar ay agad sinita ng mga pulis ang mga suspek at narekober sa mga ito ang tatlong sachet ng umano’y shabu, tatlong disposable lighter, isang timbangan, nakarolyong aluminum foil at P580 cash. (Bella Gamotea)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20