Ang lahat ng mga papasok sa grand finals ay malalaman na ngayon sa pagtatapos ng pangalawang araw ng 3-cock semis ng 2017 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby na gaganapin sa Newport Theatre of Performing Arts, Resorts World – Manila sa Pasay City simula alas-10 ng umaga.

Nakalinya ang 140 sultada.

Ang pasabong na ito ay pinamumunuan nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea, sa pakikipag-tulungan ng mga kasabong na sina Eric dela Rosa at Ka Lando Luzong. Naging malaking bahagi rin ng 2017 World Pitmasters Cup ang mga sponsors na Thunderbird Platinum, Thunderbird Bexan XP, Resorts World Manila at Warhawk.

Tatlong kalahok galing sa ibang bansa ang mga kabilang sa mga nangunguna sa pangalawang eliminasyon. Nangingibabaw ang Roan Phil ng mag-partner na Kelly Everly ng Kentucky at Phil Sneed ng Tennessee at ang kanilang Pilipinong partner na si Jun Bacolod ng Davao. Gamit ng Roan Phil ang bloodline na Mule Train Greys at Bates Hatch ng Everly Farms.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hindi man nakarating sa bansa ang sikat na babaeng breeder na si Tammy Shive-Ayala (Green River Gamefarm) ng Kentucky, nagmamarka naman ang kanyang presensya sa entry na Green River EP RJM Rammy/EEP/RJM, kapartner si Paolo Malvar ng Sunhaven Gamefarm.

Wala ring talo ang Guamanian na si Peter Elm (617 Gameboyz and Tonio), ka-partner sina Owen Medina at Mike & Tonio Romulo, at ang 671 Carlos & Summit Haus ng Amerikanong si Carlos Camacho & Goy Goitia.

Hindi rin pahuhuli ang mga Pilipinong si Raymond dela Cruz na may apat na panalo sa apat na laban gamit ang entry name na Manila vs. Bacolod-1 Feb.19, 5-Cock at Manila vs. Bacolod-2 Feb.19, 5-Cock.

Kabilang din sa may tig-dalawang panalo ang Octagon Ahluck Camsur (Wilson Ong/Ricky Magtuto); Blue Blade-6 (Engr. Sonny Lagon); March 30 5-Cock River Col. Pangasinan (Sec. Bebot Villar/Boss Jepoy); Bacolor Gold BW (Nene Abello/Efren Canlas); Rick Taker RSF RMD; San Leonardo (Mayor Elan Nangano); Iloilo Coliseum LSGF Experto (Celso Evagelista/Chito Tingaygen); Tito Den RM Jepoy 114 (Ramon Masenares) at Juan Dos Iron Beak Feb. 18 4Cock (James Tumulak).

Ang iba pang may 2-0 scores ay sina LJ Red Crown Speed Power Badcat Black (Engr. Jacob Lee/Felix Punzalan/Dave Lao); ATY Duhatan (Alex Ty); ATY Sumugat (Alex Ty); Foxtrot 2 (Charlie Gayoso); BYB Palawan Gold LTD (Benjie Baguio/Michael Decena); Don Victor/RJM (Mayor Alcala/RJM); ESJ Roosterville (Elwin Javelosa/Gov. E. Plaza); AS Hard IO (Allan Syiaco/Mar Canlas); AS Team Onslaught Invictus (Boknoy/Alfred); Accert (Madam Procy); Ayah; Desert Storm; Blue Max Roan (Jun Bacolod); Jumanji 8 (Nelson Uy/Dong Chung); Jumanji – 6 (Nelson Uy/Dong Chung); RJM Intruder MOA Wanda DMM Tiaong (Jun Marasigan) at Sta. Maria/Abada/Sr. Pedro GR (RB/GR/PMU/RY); Speedrib Ylocos Warrior.

Ang lahat ng mga sabungero at taga-subaybay ng sabong ay may hanggang Enero 21, 2017 para mapanood ang kani-kanilang mga iniidolo na naglalaban-laban para sa kampeonato base sa mga sumusunod na programa: Enero 18, 3-cock semis 2nd set; Enero 19, 4-cock finals 1st set; Enero 20, 4-cock finals 2nd set at sa Enero 21, 4-cock grand finals (4.5 & 5 points).